top of page
Search

NEWS BOARD: Komemorasyon sa ika-114 na taon ng kampana ng Balangiga

  • Writer: GeAnn Bationg
    GeAnn Bationg
  • Aug 20, 2015
  • 3 min read

Hunyo 12, taong 1898 nang idineklara ni Aguinaldo sa bayan ng Kawit, Cavite ang kasarinlan ng bansa sa pananakop ng mga Espanyol. Nang ito'y agad namang sinundan ng pagdating ng Amerikano, at lingid sa kaalaman ito'y nagsimula sa maliit na bayan ng Balangiga sa probinsya ng Eastern Samar.


Ang Pagsisimula

Ika-11 ng Agosto taong 1901 ng pasukin ng Amerikano ang maliit na baryo ng Balangiga sakay ng kanilang "liscum" - isang sasakyang pandagat. Dumating ang tropang Amerikano, isang araw matapos ang pista ng bayan ng Balangiga.


Buong galak na tinanggap ng residente ng Balangiga ang mga bisitang Amerikano, sang-ayon na rin sa tradisyon ng pag-imbita sa mga bisita na tumuloy sa bayan matapos ang pistahang bayan. Bukas kapwa ang tahanan ng mga residente at ang simbahan sa anumang tulong kakailanganin ng mga bisita. Naging maganda ang simulain ng pagkakakilanlan ng dalawang panig hanggang sa magkaroon ng miskomunikasyon kalaunan.


Limitasyon at miskomunikasyong kultural

Nagsimula ang hidwaan sa dalawang panig, isang araw ng buwan ng Setyembre taong 1901. Dalawang sundalong Amerikano, na kabilang sa Company C ang nanatili nuon sa kampo ng Balangiga ang siyang umanong - sinaktan ng dalawang lalaking residente ng Balangiga.


Ang gulong ito ay nagmitsa dahilan sa anyang hindi pagkakaintindihan ng sundalong Amerikano at ng isang babae. Ayon sa kwento, kinausap ng isa sa mga sundalo ang babae gamit ang wikang Ingles, tumawa't ngumisi ang babae na siyang ipinagtaka ng sundalo kung kaya't hinatak niya palabas ng tindahan ang babae. Ang insidenteng ito ay nakita nga ng dalawang magkapatid na lalake na siyang dahilan kung bakit nila sinaktan ang sundalong Amerikano.


Kinabukasan, matapos ang insidenteng ito'y naghanda ng munting salu-salo ang mga residente ng Balangiga. Inihanda ng mga residente ang tuba - isang alak na gawa sa niyog at ang pulutang kalabaw na siyang pinagsaluhan ng lahat. Lingid sa kaalaman ng mga Amerikano'y ito na pala ang kanilang huling pagsasalo-salo sa bayan ng Balangiga. Dahil sa ito ang naisip na paraan ni Abanador, mayor ng Balangiga para magawan ng maayos ng taktika ang ipinapalano nilang pag-aaklas sa araw na iyon ng Setyembre 28.

Sa pagsapit ng agahan

Matapos ang munting pagsasalo't pagdiriwang nuong ika-27 ng Setyembre ng gabi, ay unti-unti nang naghanda ang mga kalalakihan. Dahil sa karamihan sa mga sundalo'y lango pa sa espiritu ng alak, minabuti ni Abanador na gawin itong pagkakataon na ipuslit ang mga kalalakihan sa kabilang baryo, suot ang damit pang babae upang sila'y hindi mapansin. Kaya, nang umaga iyong bago ang agahan, ay sinamantala na ng mga kalalakihan na tipunin ang sundalong Amerikano na siyang naging kilala nga bilang "Balangiga Massacre."


Sanay ang mga sundalong Amerikano ang makita ang maraming kababaihan na naglalakad sa baryo tuwing umaga dahil sa ginaganap na pista, pero nuong araw na iyon ng Setyembre 28, iba ang kasasalubungin ng mga sundalo.


Marami ang nagsasabing ang trahedyang ito ng Balangiga Massacre ay may dalawang mukha - Ang trahedyang sinapit ng mga sundalong Amerikano ng araw ng Setyembre 28, 1901 at ang "kill and burn" na dinanas ng mga residente ng Balangiga.


Ang imahe itong ay nag-iwan ng bakas sa alalala ng mga residente ng Balangiga, saksi ng dalawang kampana na kapwang nabuwag sa piitan ng alalala.


Sa libro n Rolando Borrinaga na "The Balangiga Conflict Revisited:" nabanggit ang pag-iral ng agreement ng dalawang panig, anya:

A general agreement among Filipino and American Historian and Scholars about the basic facts and their interpretation of the phase has been made"

Dahil sa pahayag na ito malinaw na ang malayang usapin at pagkakaunawaan ng dalawang panig ay hindi imposible. Ilang taon kaya ang hihintay pa? Muli kayang uuwi ang kampana ng Balangiga sa tunay nitong tahanan?


Sanggunian:

  • Borrinaga, Rolando O. "The Balangiga Conflict Revisited." Quezon City: New Day Publishers, 2003.

  • "Ang mga kampana ng Balangiga" The Correspondents. ABS-CBN, Quezon City. 15, Aug 2006. Tele-Audio Visual.

 
 
 

Comments


© JUNE 2020 by GeAnn Bationg. Proudly created with Wix.com

  • YouTube
  • LinkedIn
bottom of page