top of page
Search

NEWS BOARD: Dolphin slaughter sa Japan, palasak pa ring isinisagawa

  • Writer: GeAnn Bationg
    GeAnn Bationg
  • Sep 15, 2015
  • 2 min read

Tuwing sasapit ang unang araw ng Setyembre, makikita ang grupong Philippine Animal Welfare Society (PAWS) at Earth Island Institute (EIS) sa tapat ng Japanese Embassy upang isagawa ang kanilang annual, Solidarity Walk.


Sa taong ito, kabalikat nila sa pagmartsa ang Save Freedom Island Movement at ilang miyembro ng University of the Philippines Hostel. Ito ang ikalimang taong isinagawa ng grupo ang protesta sa tapat ng Japanese Embassy para ikondena at bigyang pataw ang kawalan ng aksyon sa palasak ng dolphin slaughter sa Taiji, Japan. Layon ng grupo ng pukawin ang atensyon ng embahada at ng Japanese Zoos and Aquarium (JAZA) upang itigil ang dolphin slaughter at mass massacre ng mga dolphins.


Kasabay ng parangal at atensyong nakuha ng dokumentaryong "The Cove," ni Ric O' Barry at Louie Psihoyos, hinggil sa malupit at kaduda-dudang dolphin hunting sa Japan, ay napukaw din ang atensyon at pangmasang kamalayan ng ating Philippine animal welfare groups at concerned citizens.

At sa pamamagitan ng Solidarity Walk na ito'y nakikita natin ang pagdami ng suportang natatanggap ng mga animal advocates para ipagpatuloy ang laban hinggil sa malupit na pagpatay sa mga dolphin, hindi lamang sa Japan kundi sa ibang bansa.


Ang mga pagsulong na ito ng grupong Earth Island Institute (EIS), at Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ay nagbibigay ambag at aksyon hinggil sa isyu ng dolphin slaughter sa Taiji, Japan. Sang-ayon dito ang balitang pagsuspinde sa Japan Zoos and Aquarium (JAZA). Isa itong positibong hakbang na magiging giya ng mga susunod pang pagkilos upang mapatigil na ang dolphin slaughter.


Gayunpaman, magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng opisyal na pahayag ang Japanese Embassy hinggil sa isyu na syang walang sawang ibinubukas ng mga grupong tulad ng Earth Island Institute (EIS), at Philippine Animal Welfare Society (PAWS).




Sa pagtatapos ng kanilang Solidarity Walk at program against Dolphin Slaughter, nagbigay ng pahayag at paalala si Trixie Concepcion, Campaign Officer ng Earth Island Institute hinggil sa theme parks at oceanarium na nagsusulputan at patok na destinasyon ng mga "educational tours" at fieldtrip ng mga paaralan. Aniya ni Trixie:

"We need to stop buying tickets from theme parks, and we need to stop patronizing them.. "

Kasabay ng aksyon laban sa dolphin slaughter hinihikayat din ng mga grupong Earth Island Institute at Philippine Aniwal Welfare Society ang pag-iwas at hindi pagtangkilik sa mga theme parks at ocenarium na kinakasangkapan lamang ang buhay at kapakanan ng mga marine mammals. Dahil sa ito'y nagkukulong at nagpapahirap lamang sa kanila na siyang labag sa kanilang karapatan.


Sa panahong ito ng teknolohiya at mapagpalayang media nabubuksan at nabibigyan liwanag ang mga isyung tulad nito. At sa paglipas ng panahon mas inaasahang nating magiging progresibo ang pagharap at paglaban natin sa usapin ng karapatan. Umaasa tayong sa susunod pang mga taon, tuluyan ng mawawaksi ang krimeng kumukulong at nagpapahirap sa ating mga marine mammals. ##

_____


Stop the #killings! Save dolphins from inhumane slaughters!

 
 
 

Comments


© JUNE 2020 by GeAnn Bationg. Proudly created with Wix.com

  • YouTube
  • LinkedIn
bottom of page