top of page
Search

NEWS BOARD: Alpas sa Nakaambang Panganib

  • Writer: GeAnn Bationg
    GeAnn Bationg
  • Dec 3, 2014
  • 4 min read

Taong 2013 nang pumasok sa bansa ang supertyphoon Haiyan, o mas kilala bilang bagyong Yolanda. Libu-libong pamilya ang napinsala't nawalan ng tirahan, kabilang na nga ang ilang residenteng binawian ng buhay dahil sa lakas at hagupit na iniwan nito sa bansa.


Isa si Sonia Montinola, 38 na taong gulang, sa libu-libong pamilyang apekatdo ng bagyong Yolanda. Isang taon makalipas ang trahedya, tandang-tanda pa rin ni Sonia ang pinsalang natamo ng kanilang pamilya taong 2013. Kasama niya nuon ang kanyang hipag, dalawang anak at ina sa bayan ng Jaro, Leyte nang pumasok ang supertyphoon Haiyan sa bansa. Tangan ang dalawang anak, buong tapang na sinuong ni Sonia ang malakas na bagyo upang lumikas sa karatig bahay ng kanyang pinsan, ng umaga ng Nobyembre 9, 2013.


Tatlong buwan pa lamang noon ang bunsong anak ni Sonia samantalang limang taong gulang naman ang kanyang panganay.

"Takot na takot kami talaga nuon, hindi talaga naman inakala. Naisip ko nga kung iyon na ba ang katapusan namin.."

Ika -walo ng Nobyembre nang unang maranasan ng residente ng Brgy. Mag-aso Jaro, Leyte ang bagyong Yolanda. Nagsimula umano ito sa panaka-nakang ambon, na may kasamang malakas na hangin hanggang sa biglaang paglakas nito.


Anya ni Sonia, umabot sa kanila ang balitang mayroong paparating na supertyphoon, pero hindi nila ito pinagtuunan ng pansin, isa lamang umano itong usap-usapin dahil sa hindi naman nabanggit ang sa lakas at haba ng itatagal nito sa bansa.

"Nagtatawanan pa nga kami kasi ang balita raw sa Maynila'y may supertyphoon, e' duon naman sa Leyte, kay ganda ng panahon."

Ang Pagdating ni Yolanda

Ala-una ng madaling araw nagsimula ang pag-ambon sa Jaro, Leyte. Tahimik at walang pag-aalalinlangan ang mga residente. Nanatiling tulog ang karamihan sa kanila at walang paghahanda o planong paglikas ng araw na iyon.


Kinabukasan, ika-apat ng Nobyembre, bandang alas-singko ng hapon napansin ng mga residente ang biglang pagbuhos ng malakas ng ulan na siyang sinundan ng malakas na hampas ng hangin. Gayunpaman, ayon na rin sa kwento ni Sonia wala sa kanila ang lumikas ng panahong iyon at nanatili na lamang sa kanilang tirahan ang karamihan sa mga residente.


Umaga ng ika -9 ng Nobyempre, nagdesisyon ang mag-anak Montinola na lumipat sa karatig bahay ng kanyang pinsan. Tangan ang dalawang anak, buong tapang na sinuong ni Sonia ang malakas na bagyo upang lumikas.


Kakulangan ng estimasyon

Ilang araw matapos ang sakunang dala ni Yolanda, naging laman ng balita ang trahedya at pinsalang natamo ng Tacloban at ng mga karatig bayan nito. Kabilang na nga ang baranggay Mag-aso sa Jaro, Leyte kung saan nakatira sina Sonia. Liban pa sa isyu ng tirahan at tutuluyan ng mga apektadong residente, naging laman din ng balita ang aniyang kawalan ng paghahanda at hindi paglikas agad ng mga residente na siyang kinondena ng ilang kritiko na ito'y dahil sa kakulangan ng sapat at tiyak na impormasyon hinggil sa paparating na bagyo.


Ito naman ay mariing sinang-ayunan ng mga apektadong residente. Tulad ni Sonia, hindi ito napaghandaan dahil na rin sa hindi tiyak at sapat ang estimasyon ng impormasyon tungkol sa paparating na bagyo.

"Biglaan talaga ang lahat, wala sa amin ang nakakaalam.. hindi namin inasahan na mangyayari yun" dagdag ni Sonia

Hindi naman itinanggi ng gobyerno ang isyu ukol rito. Gayunpaman, hindi naiwasan ang paninisi ng ilang mamayanan sa gobyerno kung bakit hindi agad isinagawa ang full warning lalo na sa Western Visayas na siyang sentro ng bagyong Yolanda.


Ang Hagupit ni Yolanda

Ika -21 ng Nobyembre matapos salantahin ng bagyong Yolanda ang Leyte, lumipat dito sa Maynila ang mag-anak ni Sonia. Nagdesisyon ang asawa ni Sonia, na noon'y nasa abroad, na umuwi sa Pilipinas upang sunduin ang kaniyang mag-anak sa Jaro, Leyte.


Tatlong araw matapos ang panananlata ng bagyong Yolanda, dumating ang mga relief goods. Ayon kay Sonia, tatlong bag ng relief goods ang kanilang natanggap bago sila lumipad patungong Maynila. Ito ang sumuporta sa kanila at sa iba pang nasalantang residente ng panahong iyon. Bawat pamilya ay nabigyan ng relief goods.

"May pangalan na iyong mga pinamimigay para siguradong mabibigyan ang lahat, talagang naninigurado sila.."

Matapos ang insidente ng supertyphoon Haiyan, nito lamang taon nakatanggap si Sonia at ang kanyang Ina ng tulong pinansyal sa pagpapagawa ng kanilang bahay. Humigit kumulang sampung libong piso ang kanilang nakuha. Ito anya'y naka-depende sa pinsalang natamo ng bawat kabahayan at pinsala ng ari-arian. Pero pag-iimbut ni Sonia mayroong pagkakataong hindi sila nabigyan ng materyales sa pagpapaayos ng bahay. Ang ilan daw kasi sa mga nakakatanggap nito, ay ginagamit ang ilang sobrang materyales sa pagpapaekstensyon ng ilang kabahayan, kung kaya nagkaroon ng kakulangan ng mabigyan ang karamihan sa kanila.


Isang taon na rin ang nakakalipas ng lumipat ang mag-anak ni Sonia sa Maynila, pero sariwa pa rin sa kanya ang pangyayaring iyon.

"Buti na lamang at malayo kami sa dagat, kasi kung hindi maarang pati kami ay nadali.."

Ito ang binitawang salita ni Sonia ng tanungin ko siya ukol sa kanyang pagkatakot at nararamdaman tuwing inaalala ang trahedyang iyon. Gayunpaman, malaki ang pasasalamat ni Sonia dahil ligtas ang kanyang pamilya. Ang laking hinga rin para kay Sonia at sa kanyang mag-anak dalhin hindi matindi ang pinsalang natamo nila ng bagyong Yolanda, bagaman nasira ang kanilang kabahayan, malaking pasasalamat para sa kaniya na wala sa kanilang nasaktan at nanatili silang buo.

"Pasalamat ako talaga sa Diyos at ginabayan kami, sabi nga ng mga kamag-anak ko dahil na rin siguro may kasama kaming mga anghel (pagtutukoy sa kanyang dalawang anak at mga pamangkin) Mapalad kami talaga.. Takot na takot talaga kami nuong panahon na iyon pero para sa mga bata ay nanindigan kami at nilakasan ang loob. Pinaghawakan talaga namin iyong pananampalataya at pag-asa na harapin iyon"

Nang tanungin ko si Sonia kung muli silang babalik sa Leyte, ngumiti lamang siya sa akin at sumenyas, bagaman mayroong bakas ng pag-aalinlangan sa kaniyang mukha; Nararamdaman ko ang pag-asa sa kanyang mga mata, na anya'y muling babangon ang Tacloban at ang Leyte, at sa muling pagbangon nito ay muling magbubukas ang matamis na hinaharap para sa kanila at sa lahat ng nakaligtas sa bagyong Yolanda. ##


 
 
 

Comments


© JUNE 2020 by GeAnn Bationg. Proudly created with Wix.com

  • YouTube
  • LinkedIn
bottom of page