top of page
Search

Filipino Children's Book - An Annotated Bibliography

  • Writer: GeAnn Bationg
    GeAnn Bationg
  • Mar 3, 2015
  • 11 min read

Updated: Jun 21, 2020

Tampok ang animnapu't - limang anotasyon ng mga aklat pambatang nabasa sa klase ng Panitikang Pambata (Malikhaing Pagsulat 165) sa pagtuturo ni Sir Eugene Evasco.


Find me on Medium: Click here.

1. Madyik Banig: Maagang Matulog at Managinip

Sa Panulat ni: Virgilio, Almario

Illustrasyon ni: Joanne de Leon

Adarna House, 1994

Karaniwang maraming kinukuwento ang mga bata ukol sa kanilang panaginip. Maging ang mga nakatatanda ay maraming nararating sa kanilang panaginip. Ang panaginip ay gumaganap bilang ekstensyon ng ating mga naisin at landasin na nais maabot/ marating. Napakalawak na ideya ang panaginip kung kaya'y masasabi kong naging epektibo ang paghahalintulad ng akda sa panaginip natin, kung saan maaring marating ang nakaraan. Ang tema ng aklat pambata na ito'y maaring maitalakay sa paaralan lalo pa't kung ang usapin ay ukol sa kasaysayan.


2. Sundalong Patpat

Sa Panulat ni: Virgilio, Almario

Illustrasyon ni: Ferdinand Doctolero

Adarna House, 1997

Ang kuwentong ito'y hindi nalalayo sa Kwento ni Carancal ni Rene Villanueva. Ito naman ay ukol sa isang sundalong patpating na nakasakay sa kanyang payat at patpat na kabayo. Matapang ang sundalong ito na bagaman siya'y patpat ay malaki ang kanyang pagnanais na makatulong sa kanilang bayan. Bagaman, marami ang sa kanya'y nanuknukso ay patuloy pa rin siya sa pagpursige. Ang lakas ng loob at katapangan ang siyang maikikintal sa kwentong ito.


3. May Tatlong Palaka: Buhay sa Tabing Sapa

Sa Panulat ni: Roberto Alonzo

Illustrasyon ni: Perry Henson

Adarna House, 1980

Kung pagpapakilala naman sa mga bata tungkol sa mga hayop ang nais hanapin, isa ito sa maaring maging rekomendasyon. Nahahawig ito sa format ng kwentong Three Little Pigs. Ipinakikira nito ang "naturaln habitat" ng mga palaka at kung papaano sila mamuhay: Nakatira sa tabi ng sapa, pumapatong sa mga lily, kumakain at iba pa. Payak lamang ang ideyang inihahayag ng kwento, kaya naman ito ay nababagay sa mga batang nagsisimula pa lamang sa mga pagkakakilanlan ng mga bagay-bagay.


4. Si Beberoca: Ang Salbaheng Anito

Sa Panulat ni: Roberto Alonzo

Illustrasyon ni: Jose Tence Cruz

Adarna House, 1980

Ang ganitong mga aklat pambata ay laging maihahambong sa ating mga kwentong bayan. Ang paggamit ng anito, mga diwata, duwende, kapre ay paraan marahil upang maibalik o maipakilala sa mga bata ang mga karakter na ito na makilala sa ating lokal na panitikan. Isang halimbawa na nga ang tampok na karakter, na si Beberoca, isang masamang anito, manloloko siya at tunay na masama, kaya ito ang naging dahilan upang parusahan siya ni ni Ewagan na isa ring dyos.


Masyadong brutal ang pagkamatay ni Beberoca, na siyang hindi ko rin nagustuhan. Ang pagpapakita ng madugo dahilan sa pagbutas ng tiyan ay napaka-brutal na pagpapakahulugan upang wakasan ang buhay ni Beberoca (lalo pa't nakikita ito sa ilustrasyon), para sa bansang naghahanap ng moral values sa mga akdang pambata hindi umubra ito.


5. Si Dilat, Si Kindat, Si Kurap, Si Pikit at ang Paghahanap nila sa Talang Marikit

Sa Panulat ni: Roberto Alonzo

Illustrasyon ni: Albert E. Gamos

Adarna House, 1980

Orihen ang dating ng kuwentong ito na kapansin-pansin sa titulo pa lamang. Nakipagsapalaran ang mga batang ito upang hanapin ang talang marikit, gamit ang bakya bilang kanilang Bangka at Palito naman bilang pangsagwan. Sa aking palagay, mas naangkop dito ang mga nakatatandang mambabasa dahil mayroon 'dating' nang pagiging radikal ang kwento. Halimbawa, na lamang ang mga tanong na: Bakit Kailangan maliit ang mga bata? Bakit sa tsinelas sila kailangang sumakay? Bakit gula-gulanit ang kanilang mga damit? atbp. Kung ito man ay babasahin, sa tingin'y ko magandang basahin ito ng bata kasama ang nakakatanda.


6. Planetang Asul: May Tao nga kaya sa ibang daigdig?

Sa Panulat ni: Victoria Anonuevo

Illustrasyon ni: Fidelito Manto

Adarna House, 1980

Sa mga akdang nabasa ko na isinulat ni Virgilio Almario ito ang siyang pinakagusto ko. Pambata ang kuwento pero may kurot at dagdag itong paksang patungkol sa nakakatanda. Ang pagiging pastol ni Angelo ay nagpapahiwatig na bata pa'y nasasabay na sa pagtatrabaho si Angelo (usapin ng child labor). At ang pagkakaroon niya ng kaibigang taga-ibang planeta na si Ason, na mayroong maigting konsepto ng kalayaan sa kanyang karakter, ay marahil halimbawa naman ng nosyon ng nasyonalismo. Mayaman sa simbolismo ang akdang ito kaya naman naangkop sa anumang edad.


7. Berde, Gusto ko ng Berde: Ang Kulay ng Magandang Paligid

Sa Panulat ni: Victoria Anonuevo

Illustrasyon ni: Jess Abrera

Adarna House, 1981

Maaring isang simpleng picture book lamang ito kung susumahin sa unang tingin, pero nais kong idiin ang naikikintal kong napakahalagang mensanhe na nais nitong maiparating. Epektibo ito kahit walang mga salita. Ang ilustrasyon pa lamang ay mayaman na sa imahe at simbolismo. Sa bawat paglipat ng pahina ay narooon ang sinkronisasyon ng kuwento. Hindi ka malilito sa mga imaheng ipinapahayag. Ang picture book na ito;y isang epektibong paraan upang ipakilala sa mga bata ang kahalagahan ng kalikasan.


8. planetang asul: may tao nga kaya sa ibang daigdig

Sa Panulat ni: Victoria Anonuevo

Illustrasyon ni: Jess Abrera

Adarna House, 1980

Sa mga akdang nabasa ko na isinulat ni Virgilio Almario, ito ang siyang pinakagusto ko. Pambata ang kuwento pero may paksang pang-matanda rin dito. Ang pagiging pastol ni Angelo ay nagpapahiwatig na bata pa'y nasasabak na pagtratrabaho si Angelo isang usapin ng child labor. At ang pagkakaroon niya ng kaibigang taga ibang planeta nasi Ason, malaki ang pagpapahalaga sa kanilang kalayaan ay isang halimbawa ng nasyonalismo. Mayaman sa simbolismo ang akdang ito kaya naman naaangkop sa anumang edad.


9. Si wako: ang kuwagong bobo

Sa Panulat ni: Victoria Anonuevo

Illustrasyon ni: Jess Abrera

Adarna House, 1981

Noong bata pa ako laging pinapaalala sakin na wala taong bobo tamad ay mayroon pero walang bobo. Kaya nang mabasa ko ang titulo ay nalungkot ako sa kadahilanang ginagamit ang salitang bobo, umaalingawngaw kasi ang salitangng "bobo" at sa mga bata ito ang kadalasang nagiging pang-asar nila sa kapwa nila mag-aaral. gayunpaman, naging makatwiran naman ang katangian ito ni Wako, at siya naman'y nasa anyo ng kuwago at hindi ng tao. makatwiran na dahil sa kakaibang mga pag-uugali ni Wako ay napapahamak siya kung kaya't nabigyang diin ang pagbabagong ginawa niya. Siguro'y magiging mas epektibo ang kwento kung may gagabay na magulang sa pagbabasa ng kwentong ito o kaya'y ang padidiin ng salitang "bobo" ay maalis.


10. si aling oktopoda: at ang walong munting pugita.

Sa Panulat ni: Rosario Calma

Illustrasyon ni: Jess Abrera

Adarna House, 1981

Ang kwentong ito ay radikal na istorya ng child labor tulad ng naunang akda, na musmos pa lamang ay nagtratrabaho na. Ang kakaiba lamang sa kwentong ito ay mayroong matamis na ending ang istorya at ang mga karakter ay mga hayop sa karagatan. Kung iisipin mabigat ang dating kwento pero dahil sa malumanay na pagkakasalaysay dito ay mas naging epektibo at wastio ito sa mga batang mambabasa. Hindi masyadong madaldal ang teksto at ang illustrasyon mismo ay nagkukuwento. Nababagay kapwa sa bata at nakakatatanda ang kuwentong ito ni Aling Oktopoda.


11. bahay ng marami't masasayang tinig

Sa Panulat ni: Uson Richardo

Illustrasyon ni: Kora Dandan-Albano.

Adarna House, 2002

Hindi mo mapapansin sa titulo ng akdang ito ang nilalaman ng kwento, ang dating kasi'y parang isang kasiya-siyang kwento ang natatampok. Dalawang mambabasa ang nais paratingan ng awtor ito ang mga bata at ang mga nakakatanda. Ang imahe ng pagiging kamang-mangha ng isang oaaralan ay hindi nalalaman ng batadahil siya ay nagtatrababaho na samurang edad ni' hindi alam kung ano ang paaralan. Nalungkot ako sa kwentong ito ni palasia na isang batang badyaw -isa itong reyalidad sa panahon ngayon na dahil sa pangangailangan ay kinakailangang makipagsaoalaran ng ating mga kapatid na badyaw dito sa Maynila upang mabuhay at matustusan ang kanilang pangangailangan. Magandang ipabasa ito sa lahat nang maging mulat naman ang karamihan, maging ang mga bata na dapat maging bukas tayo sa ating mga kapatid na badyaw at maging ang iba pa.


12. angmakapangyarihang kyutiks ni mama

Sa Panulat ni: Rene Villanueva

Illustrasyon ni: Ferdinand Guevara

Adarna House, 2002

Gustong gusto ko ang kwentong ito, napapaisip ako tuloy kung nabasako itong noong bata pa ako ay marahil naisipan ko ring hangaan ang trabaho ng aking mga magulang.karaniwan kasi ng mga bata ang hindi malay sa trabaho ng kani-kanilang mga magulang, alam marahil ang "katawagan" sa trabahong ito pero hindi ang kung ano ang meron dito. Maganda itong ipabasa sa mga bata upang maging malay sila at mapahalagahan pa ang kanilang mga magulang. Napaka-epektibo ng kwentong ito dahil sa una ang tono'y bata rin mismo, ikalawa ang madulas na pagkakahayag nga mga imahen, ikatlo ang dating teksto na nakakaakit at panghuli'y ang pagiging payak ng ideya; Lahat ng mga ito'y matutulak sa mga mambabasa na alalahanin ang kanilang mga magulang noong sila'y bata pa at buhayin naman ang excitement sa mga batang mambabasa. Rekomendadong babasahin ito lalo na sa mga batang naiinis sa trabaho ng kanilang mga magulang; may mga bata ganito lalo na kung alam nilang hindi maganda ang trabaho ng kanilang magulang.


13. ang pambihirang buhok nilola: o kung bakit matatag ang mga pinay

Sa Panulat ni: Rene Villanueva

Illustrasyon ni: Ibarra Crisostomo

Adarna House, 2001

Nito ko lamang nakuta na isa ito sa mga akdang isinama si Renen Villianueva sa kanyang librong Im[personal] na hindi umano nanalo sa mga patimpalak. Napakaganda ng kwento upang hindi manalo man 'lang. Gayunman, kahit hindi nanalo noon, naging patok naman ito sa ngayon. Ito ang aklat pambata na pwedeng ihilera sa mga librong pang-eskwela. Naitatampok kasi sa kwento ang pagpapakilala sa ating mga bayaning pilipina na siyang inu-ugnay kay Lola na tampok sa kwento. Ang hindi pagpapakilala sa tunay na ngalan ni Lola ay mahalaga rin dahil sa maaring isipin ng bata na lola niya rin ito at gayahin ang kabutihan ng matanda. Gaya nga ng nabanggit sa kwento, itanatampok nito ang pambihirang tibay ng loob ng mga kababaihan sa kasaysayan na isang mabuting imahe na maaring gayahin at kahiligan ng mga mambabasa.


14. ang pulang laso: ito ba'y para sa lalaki o para sa babae?

Sa Panulat ni: Rene Villanueva

Illustrasyon ni: Julio Perez

Adarna House, 1981

Kakaiba ang akdang ito, dahilan sa nauukol ito sa usapin ng gender roles. Hindi kasi karaniwan ang ganitong mga aklat pambata pero magaan ang naging daloy ng kwentong ito kaya masasabi kong angkop naman ito sa mga bata. Ang oaggamit ng imahe ng kuting ay napakagaang ideya, at maging ang paggamit ng pangalan (Nini, Noynoy). Natawa lamang ako marahil sa illustrasyon na kung saan naging literal ang imahe(lalo na sa parteng ipinakita ni Inang pusa ang kasarian nila). Gayunman, hindi ko ito kinuwestyon dahilan sa ang bata'y literal narin kung mag-iisip at gusto nang agarang sagot o kung 'di man ay katotohanan.


15. Blip

Sa Panulat ni: Rene Villanueva

Illustrasyon ni: Beth Parrocha Doctolero

Lampara Books, 2010

Kinagiliwan ko ang kwentong ito dahilan sa ito ang siyang maisasagot ko sa akong mga nakababating pinsan kung bakit may sensura sa telebisyon, o kung abkit kailangan lumabas ang paalala ng MTRCB bago ang palabas. Ipakikilalako sa kanila si Blip na syang' naatasan ni Ministro ng Moralidad at Kondesa ng kaayusan, si Blip na kumakain ng 'di magagandang salita at ang syang nagbibigay ng tunog na Blip. Sa pagbabasa ko, mayroong radikal na pagtingin akong nakita sa kwento at ito ang "pagsesensura" mismo ng mga salita. Sa tingin ko kasi'y mayroong pagpaparinig na nagaganap laban sa pamahalan na sinesensura nila ang mga bagay kahit pa mahalagang marinig ito ng sambayanan. At tulad ng nangyari kay Blip, hindi kakayaning itago ang mga ito; lalabas at lalabas parin ang mga salitang literal at totoo.


16. angbayaning isang dangkal

Sa Panulat ni: Rene Villanueva

Illustrasyon ni: Kora Dandan-Albano

Lampara Books, 2002

Para naman sa mga batang kulang ang lako at naiinis sa kanilang sarili kung bakit sila'y maliit ito ang nababagay na aklat para sa kanila. Bilang isang third world na bansa hindi maiaalis ang usapin na maraming bata ngayon ang kilang sa laki kaya naman hindi naiiwasan ang tuksuhan sa paaralan na syang nagiging dahilan kung bakit marami ang naiinis sa kanilang sarili na sa simula palang ay hindi na maganda. Ang kwento ni Carancal ay makakatulong sa mga batang inaasar upang mapataas nila ang tiwala at pahalagahan nila kung sino sila. Hindi lamang imahe ng bata ang makikita sa kwento kundi ang ekstensyon rin ito ng imahe ng buong bansa tulad ng Pilipinas: Mahirap ang pamilya ni Carancal sa kwento, ang pagiging maliit ni Carancal, ang hindi pagpayag ng magulang na siya'y kumilos dahil sa mahina siya atbp sa huling parte ng kwento na siyang nagpapatunay parin na hindi "kahalagahan ng tiwala at pag-asa sa sarili, at katapangan sa kabila ng pisikal na limitasyon" ang siya paring mananaig.


17. ang diwata ng cebu

Sa Panulat ni: Rene Villanueva

Illustrasyon ni: Juaquin Hernandez

Lampara Books, 2002

Isang adaptasyon ang kwentong ito ukol kay Maria Cacao, kaya kung pamilyar na ang bata sa kwento ni Maria Makiling Marahil kagiliwan niya ang kwentong ito dahil sa alam na niya ang bawat eksena. Natutulad parin naman ang esensya ng pagkakaroon ng diwata; masasabi ko pa ngang mas naging epektibo ito kumpara sa ibang mga bersyon ng Maria Makiling. Naipaliwanag kasi ng maayos ang kwento maging ang daloy nito: tulad ng, kung bakit mayroong kagamitan si Maria Cacao ng tulad sa mga tao gayong siya'y nasa kweba? Ang iba kasing adaptasyon ay nagkakaroon ng tendensiya na maging magulo sa kadahilaang nalalaktawan ang bahaging iyon kung kaya't nagiging palaisipan kung bakit mayroong kagamitang pantao si Maria Cacao. Mahalagang ipabasa ang ganitong mga akda sa bata upang sa kanila ay mantili ang yaman ng panitikan na mayroon tayo noon pa man.


18. minokawa: The origin of eclipse.

Sa Panulat ni: Rene Villanueva

Illustrasyon ni: Ferdinand Doctolero

Lampara Books, 2002

Hindi naman lahat ng akda ay makakapareho, minsan ay naayon ang kagustuhan ng isang mambabasa sa isang kwento batay sa sarili rin niyang panlasa. Kung hanap nyo'y isang akda na may kinalaman sa ating mga kapatid na katutubo ay ito ang para sa inyo, ayon ito sa orihen ng eclipse na masasabi kong hindi malay ko kinagiliwan ang akda dahil sa masyadong madilim ang kulay at mabigat ding' tignan ang pagkakagamit ng mga salita sa kwento ( ang paglamon sa buwan at araw, kainin ang tao ). Dahil imbes na kagiliwan ito ng bata aymamimistulang panakot ito hindi kagigiliwan basahin ng mga bata. kung ang pagkukuwento'y naging madulas at malumanay marahil ay maging mas epektibo pa ito.


19. Nasaan ang tstinelas ko?

Sa Panulat ni: Rene Villanueva

Illustrasyon ni: Arnold Arre

Cacho Publishing house, 1995

Noong bata pa ako ay hilih kong tanggalin ang tsinelas ko, hindi kasi ako sanay na nakatsinelas lalo na sa loob ng bahay, pero lagi akong sinisita ng aking mga magulang dahil sa malamig nga daw ang sahig at kinakailangan ring magtsinelas kahit sa loob ng bahay. Tulad ng bata sa kwento hindi rin ako malay noon kung bakit pa kailangan mag-tsinelas e' mas presko naman kung hindi mo ito suot na makaklakad din naman kahit hindi ito nakasapin sa ' king mga paa. Kung ganito ang tipikal na pag-iisip ng mga bata ay maganda ipasok dito ang kwentong ito ni Rene Villanueva. Ang akda na ito aypara talaga sa mga bata, ang pagkakahayag ng mga ideya, sa daloy ng illustrasyon at ang kapayakan ng temang ito ay napakagaan at tiyak nakgigiliwan ng mga batang mambabasa. rekomendadong babasahin ito lalo na sa mga batang kinahilligan ang paglalaro sa labas ng bahay.


20. si emang engkantada at ang talong haragan.

Sa Panulat ni: Rene Villanueva

Illustrasyon ni: Alfonso Onate

Adarna House, 1980

Karamihan naman sa mga bata ay may pagka-sutil din kung minsan, kaya nga laging sinasaway tayo ng ating mga magulalng, ang kwentong ito ay para sa ating lahat kung gayon. Ang pagkakahilera ng mga batang haragan at ni Emang Engkantada ay nagpapakita ng pagiging isa natin sa kalikasan, at pagiging implikasyon na kung ano ang siyang itinanim ang siyang ating aanihin. Sila Pat Kalat, Pol Putol, at Paz Waldas ay tatlong batang pasaway na kinatatakutan ng lahat; sila ay iniiwasan dahil sa sila ay mga salbahe. Ang pagpataw ng parusa ni Emang Engkantada sa tatlo ang nagpadama sa kanila na mali ang kanilang ginagawa na syang' naging dahilan upang sila'y magbago. Ang pagkakaroon ng "parallelism ng mga parusa sa tatling harangan ay naging epektibo at tiyak na kapupulutan ng aral ng mga bata sa kung ano ba ang tama at mali.


21. si paula oink- oink

Sa Panulat ni: Rene Villanueva

Illustrasyon ni: Kora D. Albano

Cacho Publishing House, 1995

Para sa mga batang nag-sisimula palang kumain mag-isa ang tampok na kwento na ito ni paula: isang batang baboy. Mula noon ay naririyan ang mga batang hindi marunong kumain ng mag-isa tulad ni Anna ngiyaw sa akda. Nasasanay kasi ang karamihan sa mga bata na kailangan pang subuan ng magulang para lang makakain na umaabot pa sa puntong nasa wastong gulang na ay hindi parin nangatuto na kumain mag-isa. Angkop ang kwentong ito lalo na sa mga batang pumapasok na sa paaralan gayong di' parin marunong. Nahihirapan kasi ang mga guro sa pag-alalay sa mga bata lalo pa't kung nagugutom na ito dahilan sa hinahanap nila ang kanilang mga magulang upang ito pa ang magpakain sa kanila. Pansin kong nabigyan diin ang pagiging "independent" ni Paula, nabibigyan pansin kasi ang pagiging maalam ni Paula at ang kakayahan nyang maalagaan ang sarili na siyang importanteng katangian nga naman.


22. "ang magkakapatid at ang tsonggo". 6 na dulang pambatang pilipino para sa mga bata: mga dulang bayan.

Sa Panulat ni: Amelia Lapena Bonifacio

Tala Publishing Copr., 1976

Ang kwentong ito ay ukol sa magkapatid sa sina Cenon at Bantawan, ang isa ay mabait ngunit kabaligtaran naman ang isa na syang' sakim na, inggetero pa. Maliban sa magkapatid naitampok din ang mga unggoy at kung paano sila nagseselebra tuwing mayroong patay: nagbibigay sila nga mga palamuti at pera upang maging karanga-rangal ito. Hindi tulad sa naunang akda ni AMeliea, dito ay hindi ibinilang ang payaso sa kwento; siya ay tagapagsalaysay lamang at hindi lingid sa mga karakter na mayroong manood. Naipahayag naman sa akda ang pagiging sakim at inggetero ni bantawan at ang pagiging mapagparaya ni Cenon; gayunpaman tila nakakaasiwa o nakakalingkot ang hindi pagkakaroon na malinaw na proposisyon kung bakit kailangan pang patayin ni Cenon ang matandang unggoy. Magandang aral ang nais iparating ng akdana "ang inggit ay huwag palaguin" pero hindi parin madaling maalis sa isip ang pagpatay ni Cenon sa isang matandang unggoy na syang timataliwas sa naunang ideyang naipahayag.

 
 
 

Comments


© JUNE 2020 by GeAnn Bationg. Proudly created with Wix.com

  • YouTube
  • LinkedIn
bottom of page