top of page
Search

Ibig kong Makita - Literary Analysis of Benigno Ramos' Poem

  • Writer: GeAnn Bationg
    GeAnn Bationg
  • Aug 21, 2014
  • 3 min read

Literary Analysis of Ibig Kong Makita - a poem by Benigno Ramos, written for the class of Malikhaing Pagsulat 171 under Dr. Luna Sicat - Cleto.


Panimulang Pagkonteksto

Saklaw na kinalalagyan ng mga awtor na nabuhay sa panahon ng pananakop ng mga kolonisador, ay ang reyalidad na makikintal sa kanilang mga akda. Ganap ang kanilang mga akda sa 'bakas' ng pagkakaroon ng galit o inis, pagkalumbay o awa, o di kaya'y panaka-nakang temang mayroong tono ng panghihikayat ng resistance o paglaban.

Noong panahon ng Kastila, hindi malayang nakapagsusulat ang mga makabayang awtor, gayong may panaka-nalang nakakalusot, ang karamihan sa mga ito'y ipinupunto ang pagsisisi sa relihiyong Kristiyanismo na siyang mariin na ipinatanggap noon pa man. Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano unti-unting lumabas ang mga awtor na tulad ni Benigno Ramos dahilan na rin sa naunang impluwensiya tulad nila Rizal, Del Pilar at Bonifacio.


Si Benigno Ramos - bilang awtor

Si Benigno Ramos bilang isang makata ay naging idolo ang tatlong makata na sila Rizal, Del Pilar at Bonifacio. Sa isang akda ni Luis Camara Dery, anya niya'y si Ramos ay "tatlo sa iisang pagkatao":

  • Rizal, sa tayod ng adhikain

  • Plaridel, sa tanim ng panulat

  • Bonifacio, sa tigas ng paninidigan

Ang mga ito'y mababakas sa akdang naisulat ni Ramos at sa mga islogan niya noong kabilang siya ng Sakdal, na isang radikal na pahayagan. Ang ilan sa kanyang mga naisulat ay ang

  • Malaya, walang Panginoon kundi Bayan

  • Walang Matatamo ang Kapilipinuhan sa pakikisama sa Amerika kundi kamatayan

Masasabing kaiba si Ramos sa ibang mga manunulat dahil hindi lamang siya puro salita kundi hinahalinhan niya ito ng mga na siyang tunay ngang' katangian ng isang makatang may tunay na pagmamahal para sa kanyang bayan.


Panuri sa Tulang 'Ibig kong Makita'

Sa pagsuri ng akda ni Ramos susubukan nating sumahin at sagutin ang ilang mga tanong na mayroong ipinupunto sa tula at kung bakit nauulit ang katagang ito. At ano ang importansya sa paglalagay ng huling dalawang taludtod at bakit ito ikinonekta kay Rizal.


Sa pagsagot sa unang katanungan, wala akong nakikitang dahilan kung bakit inuulit ito maliban na lamang sa nais niyang idiin ang punto at kataga ng pagtingin. Kung babalikan natin ang ibang kalipunan ng kanyang mga tula, hindi agad mawawaring ito ay paraan lamang ng estilo. Muli, ito ay dahil sa hindi naman palagiang ginagamit ang kataga.


Kung ating bubungkalin ang presensya nito sa isang tula, maaring may pinupunto itong ideya kung kaya't patuloy na lamang ang pag-uulit ng salitang ito/ Marahil isa rin itong hiling na ninanais niyang matupad kung kaya't ginagamitan nita ito ng salitang ibig na ang katambal sa Ingles ay "I want to." Ang paghiling na ito'y may kaakibat ring ekspektasyon sa susunod na henerasyon ng nagnanais marahil ang awtor na ipahiwatig ulang hindi na maulit ang karahasang dinanas nila noon at nang mabago na ang panahon pangkasalukuyan.


Nais ko ulit idiin ang paggamit ng awtor sa dalawang taludtod ng tula na ito:

Ibig kong Makita ang bayang dakilang pangarap ni Rizal,
Ang Bayang may budhi at di natatakot sa mga dayuhan!

Upang idiin ang kabuuang pinupunto ng awtor sa tula. Bigyang pansin na ang dalawang taludtod ay maaring tumayo sa sarili nito, dahil sa ang kabuuang ideya na itinutumbok ng awtor sa simula ay bumabalik sa naturang nabanggit na taludtod. Kung susubukan namang alisin ang taludtod maaring mawalan ng diwa ang tula, dahil ito ay puno ng mga halimbawang nais niyang makita na naayon sa dakilang bayang pinapanagarap ni Rizal. Ito ang nagbibigkis sa mga ideya upang maging kahika-hikayat ito na siyang nagpapabuhay sa diwang kabuuan ng tula.


Kung muling babalikan, ito'y marahil ang punto ng awtor kung bakit ginawa niyang ganoon ang porma, ekstruktura at laman ng tula, upang patungkulan ang punto at itaas ang tayog ng adhikain ni Rizal, na siyang impluwensiya ni Ramos sa kanyang paraan ng pamumuhay. Gaya nga ng sinabi ng awtor na si Luis Camara Dery:

"Sa pamamagitan ng kanyang tula, ipinakita ni Ramos na ang makata ay isa ring mandirigma. At naipakita niya ang dalawang sandata ito: Ang sandata sa bulag na Pilipino at Ang sandata sa kaaway ng Inang Bayan."

Sanggunian:

Dery, Luis Camara. "Ang Mandirigmang Makata, Ang Makatang Mandirigma" BSU Press, 2009.

 
 
 

Comments


© JUNE 2020 by GeAnn Bationg. Proudly created with Wix.com

  • YouTube
  • LinkedIn
bottom of page